Photo shows: DICT Undersecretary for E-Government David Almirol and Joseph Simon Araneta Marcos receiving the Philippines’ GovMedia Awards in Singapore.
SINGAPORE – Nakatanggap ng pagkilala ang modernization efforts ng pamahalaan sa GovMedia Awards 2025 sa Singapore kung saan nakamit ng eGovPH Super App ang E-Governance Project of the Year at e-Government Data Exchange Platform (eGovDX) bilang Digital Transformation of the Year.
Ang mga parangal na ito ay kumikilala sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit sa publiko ang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng ligtas, at user friendly digital tools.
Iginiit na ang digitalization ay hindi lamang para sa kaginhawaan kundi paraan din upang labanan ang inefficiency, korapsyon, at red tape.
Ang pinasimpleng digital services ay magdudulot din ng mas mabilis na pagpaplano, mas maraming datos, at malakas na koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
Pinagsasama ng eGovPH Super App ang national at local services—sakop ang digital ID, travel, health, public safety, at iba pa, sa iisang plataporma lamang.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 150 milyong transaksyon at 13 million users ang naturang aplikasyon.
Samantala, ipinag-uugnay naman ng eGovDX platform ang mahigit 1,000 government services, at nakapagproseso na ng mahigit 500 milyong transaksyon.
Kinilala ito bilang “Digital Transformation of the Year” para sa “secure, interoperable ecosystem” nito na nagpapalakas ng data privacy at efficiency.
“People need to feel that government is working for them. That means faster service, zero lines, and more transparency,” pahayag ni DICT Undersecretary for E-Government David Almirol Jr.
Idinagdag pa ni Almirol na bagama’t nakakagalak ang international recognition, ang totoong gantimpala ay ang kaginhawaan sa publiko.
Itinuturong dahilan din ng digital transformation ay ang national ID system na sumasakop na sa 87 percent ng mamamayang Filipino na sumusuporta sa secure identity verification sa iba’t ibang serbisyo.
Hinimok naman ng DICT ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iugnay na ang kanilang serbisyo sa naturang unified ecosystem.
“The job isn’t done. This is about building a government that works better—for every Filipino, every day,” ani Almirol. RNT/JGC