Home HOME BANNER STORY Pinoy, Chinese timbog sa P700 illegal na droga sa Bulacan buy-bust ops

Pinoy, Chinese timbog sa P700 illegal na droga sa Bulacan buy-bust ops

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak kabilang ang isang Chinese national nang mahulihan ng P700 milyong halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Plaridel.

Sa report, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Ryan, 40 residente ng Pasig City at alyas Chen, 55, Chinese national ng Brgy. Bulihan.

Ayon sa report ng Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit (PNP DEG SOU), ikinasa ang operasyon ng mga awtoridad nitong gabi ng Hunyo 28 sa isang subdivision ng Brgy. Bulihan.

Nabatid sa report, nasa mahigit 100 kilo ng hinihinalang iligal na drogang shabu at umanoy may halong cocaine na may halagang P700 milyon sa mga suspek.

Sinasabing inaalam pa ng mga awtoridad kung konektado ito sa floating shabu na narekober sa karagatan ng Zambales at Ilocos.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing yunit ng pulisya. Dick Mirasol III