MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na may isang dosenang Kadiwa ng Pangulo centers sa Metro Manila at kalapit-lalawigan ang opisyal na sisimulan ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas, araw ng Martes, Mayo 13, isang araw matapos ang midterm elections.
“As promised, the sale of P20 per kilo rice, which was initially launched on Labor Day, will resume right after the midterm elections. We had to temporarily pause the rollout in compliance with the Commission on Elections’ advice to honor the 10-day spending ban starting May 2,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ang P20 per kilo rice program ay orihinal na inilunsad nitong unang bahagi ng buwan sa Cebu City. Paunang itinakda ito para sa six-month pilot sa Visayas.
Gayunman, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DA na palawakin ang saklaw ng programa at palawigin ito hanggang matapos ang termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Ang programa ay hindi lamang naglalayon na makapagbigay ng ‘affordable rice’ sa Filipino consumers kundi hangad ding paaganin ang pasanin ng mga bodega ng National Food Authority (NFA), (NFA) warehouses, makaya ng aheniya na bumili ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka sa mas mataas na halaga.
Habang ang programa ay una munang itinutok sa Visayas, sinabi ni Tiu-Laurel na lumitaw sa nirepasong budget ng DA at NFA stocks na maaari itong palawigin sa ibang rehiyon kabilang na ang Metro Manila at karatig-lalawigan, sa pamamagitan ng KADIWA centers at local government units na kasama sa national food crisis emergency initiative.
Sa ilalim ng pilot test, ibabahagi ng LGUs (local government units) ang P13 per kilo subsidy sa Food Terminal Inc. ng DA.
Ang eligibility ng mga benepisaryo ay idedetermina ng LGUs.
Ang vulnerable groups kabilang ang solo parents, persons with disabilities, senior citizens, at mga benepisaryo ng 4Ps program ng gobyero ay magkakaroon ng access sa P20 rice sa KADIWA centers.
Sa pinalawak na saklaw na lugar, ini-adjust ng DA ang monthly limit sa 30 kilo kada pamilya.
Samantala, si Agriculture Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumers Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra ang mangangasiwa ng KADIWA program.
Aniya, sa 32 center sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro, at Rizal, magsisimula ang pagbebenta ng subsidized rice sa May 15.
Inaasahan naman na mapakikinabangan ng 2 milyong pamilya o 10 milyong Pilipino ang pilot run hanggang Disyembre, pagtiyak na ang ‘affordable, quality rice’ ay umabot sa mas nangangailangan nito. Kris Jose