Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaanib at pamilya na lumabag sa batas.
Nagkaroon kasi ng maikling pag-uusap sina Pangulong Marcos at senatorial candidate Benhur Abalos sa social media kung saan kabilang sa mga tanong na binasa ng Pangulo sa kanyang vlog sa kanyang Facebook page ay, “paano mo haharapin ang mga miyembro ng coalition o pamilya na humahadlang sa reporma o lumalabag sa batas?”
“Yung mga lumalabag sa batas, ano gagawin natin? Lumalabag ka sa batas eh, kailangan may pananagutan ka… Kung manlaban ka sa batas, usually meron biktima yan. Kailangan may pananagutan ka,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Titiyakin namin na may katarungan ang lipunan,” dagdag na wika nito.
Gayunman, mayroon aniyang handang pag-usapan ang ilang polisiya at handa naman ang Pangulo na kausapin ang mga ito.
“Meron yung talagang paniwala na hindi tama ang polisiya. ‘Yun dapat ang kausapin… Kausapin natin sila, baka may mas magandang polisiya na puwedeng gawin,” ang paliwanag ng Chief Executive.
Iyon nga lamang, mayroon din namang hindi handang magsalita.
“Yung isa naman, lahat na lang ng gawin mo, kinakalaban ka lang dahil sa politika. Basta kontra sila sa lahat ng gawin mo, mali. Iyon, wala ka ng magagawa dun,” ayon kay Pangulong Marcos.
Tinanong din ang Pangulo hinggil sa kanyang mga prayoridad pagdating sa pagpapabuti sa sitwasyon sa bansa.
Winika ng Pangulo na: “Hindi po madali ang pinasukan nila. Lahat po sila ay nagsakripisyo para makapagserbisyo lang sa tao… ‘Yan ang superpower ng Alyansa.” Kris Jose