Home NATIONWIDE P20/kg bigas sa ilalim ng BBM Na available na sa higit 87...

P20/kg bigas sa ilalim ng BBM Na available na sa higit 87 sites

MANILA, Philippines- Mas maraming Pinoy na ang makikinabang ngayon sa P20 kada kilong rice program sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na”.

Ito’y dahil sa available na ito sa 87 lokasyon sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Nauna rito, inilunsad ng DA ang programa sa Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores sa tatlong public markets sa Bacolod City.

Ang bilang ay lampas na sa 55 na inisyal na target na KNP sites na mag-aalok ng P20/kg. bigas mula National Food Authority na nauna nang inasahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa isang kalatas, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na ang pagpapalawak sa BBM Na ay mapapabilis sa pamamagitan ng inter-agency collaboration.

“And that number will grow exponentially in the coming weeks as we onboard additional sites through the support of the Department of Labor and Employment and the Department of Social Welfare and Development,” wika niya.

“Soon, the areas where PHP20 rice will be available will surpass 1,000,” ang sinabi pa rin nito.

Hanggang nitong Hunyo 5, sinabi ng DA na ang bigas ay accessible sa 19 KNP centers at pop-up stores sa Metro Manila; walo sa Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija sa Central Luzon; walo sa Cavite, Laguna, at Rizal sa Calabarzon; at kada isa naman para sa Oriental at Occidental Mindoro sa Mimaropa.

Para naman sa mga non-Kadiwa site, may siyam pa sa Metro Manila ang nag-aalok ng bigas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc.

Mas marami pang local government units ang nakipag-partner sa DA upang gawing mas available ang P20/kg. na bigas sa kanilang nasasakupan kabilang na ang Pangasinan sa Ilocos Region; Tudela, San Francisco, Alegria, Malabuyoc, Aloguinsan, Argao, Asturias, Balamban, Bantayan, Barili, Borbon, Carcar City, Catmon, City of Bogo, City of Naga, City of Talisay, Compostela, Ginatilan, Medellin, Minglanilla, Oslob, Pinamungahan, Poro, Samboan, San Fernando, Santander, Sogod, Tabogon, Tabuelan, Toledo City, Tuburan, Mandaue, Badian, Madridejos, Daanbantayan, Boljoon, at province of Cebu sa Central Visayas; at Burgos public market, Libertad public market, at Bacolod Central Market sa Bacolod, Western Visayas. Kris Jose