Home NATIONWIDE P20/kilo na bigas? Posible pa rin – solon

P20/kilo na bigas? Posible pa rin – solon

MANILA, Philippines- Inihayag ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee na kaya pang ibaba ng Marcos administration ang etail prices ng bigas hanggang P20 kada kilo sa pamamagitan ng paggastos ng pamahalaan.

“Food security is a national security issue. Kung ganito ang perspektibo natin, we should treat our farmers as food security soldiers—an army being mobilized to feed millions of Filipino families, an army waging a war on hunger,” ani Lee. 

Base sa solon, posible pa rin na mapababa ang rice prices sa P20 kilo “if we are willing to invest in this army and are willing to implement a plan to increase local rice supplies and shield our kababayan from rising international rice prices.” 

Aniya, ang “key move” para rito ay ang pagpondo ng pamahalaan sa local rice production program. 

“Ibig pong sabihin, dapat gastusan ito ng gobyerno; dapat paglaanan ng pondo taon-taon. Kung wala po tayong plano at hindi natin sisimulan ito, talagang walang mangyayari. We need to start acting now,” giit niya.

Inihain ni Lee ang House Bill (HB) No.9020 o ang panukalang “Cheaper Rice Act”, na naglalayong magtatag ng Rice Incentivization, Self-Sufficiency, and Enterprise (RISE) Program. 

“Sa panukalang ito, maglalaan po ang pamahalaan ng pondo para pambili ng palay mula sa ating mga magsasaka na mas mataas ang presyo at siguradong may kita sila. Ang bibilhin natin sa kanila, ibebenta naman nang mas mura sa mga consumers,” paliwanag ng mambabatas.

Wika niya, bibigyan ng insentibo ang mga magsasaka upang makapag-prodyus ng mas marami dahil sa pagtitiyak ng pamahalaan sa kanilang kita. Kapag mas mataas ang produksyon ng bigas, bababa ang presyo nito sa pamilihan, aniya.

Sa kasalukuyan, pumapalo ang presyo ng bigas sa P55 at P60 kada kilo– mas mataas ng halos 200 porsyento kumpara sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong kanyang kampanya na P20 kada kilo. 

Kamakailan ay ipinag-utos ni Marcos sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No.39 ang pagtatakda ng price cap ofna P41 kada kilo sa regular milled rice, at P45 kada kilo sa well-milled rice. RNT/SA