Home HOME BANNER STORY P20/kilong bigas ibebenta sa 32 pang Kadiwa centers 

P20/kilong bigas ibebenta sa 32 pang Kadiwa centers 

MANILA, Philippines- Palalawigin ng pamahalaan ang P20 per kg. rice program nito sa 32 karagdagang Kadiwa Centers sa mga lalawigan malapit sa Metro Manila simula sa Huwebes, ayon sa Malacañang nitong Miyerkules.

Ayon kay Palace Press Office Claire Castro, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing accessible ang abot-kayang bigas sa mas maraming Pilipino.

“Ito’y hindi lamang pang-eleksyon katulad ng sinasabi nila. Bukas na po ang ibang mga Kadiwa Centers natin para po sa bente pesos na bigas,” pahayag ng opisyal sa isang press briefing.

Ayon kay Castro, ibebenta ang low-cost rice sa 32 Kadiwa Centers sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Mindoro simula sa Huwebes.

Sa kasalukuyan ang P20 per kg. rice ay ibinebenta sa ilang Kadiwa sites sa Metro Manila mula noong Martes. RNT/SA