Home HOME BANNER STORY P200/L na diesel, posible – DOE chief

P200/L na diesel, posible – DOE chief

122
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin nitong Martes na posibleng umabot sa P200 kada litro ang diesel kung magpapatuloy ang digmaan ng US at Israel laban sa Iran, kasabay ng pahayag na nananatiling wala sa kontrol ng Pilipinas ang presyo ng langis dahil nakadepende ito sa mga nangyayari sa Middle East.

Ayon kay Garin, may ilang gasoline station na nagbebenta na ng diesel sa halagang lampas P170 kada litro matapos ang pinakahuling oil price hike na ipinatupad nitong Martes. “If you ask me, is it going to reach P200? I really hope it won’t… but it’s a possibility,” pahayag ni Garin sa mga mamamahayag.

Ipinaliwanag niya na tumataas ang presyo ng langis sa tuwing may nagaganap na pag-atake sa rehiyon.

“Whenever there’s a peaceful day then price stabilizes. When there’s a bombing that happens or a building gets hit or even an oil company gets hit in any country in the Middle East gets hit, prices go up… It’s not within the control of our President or the DOE or our oil companies,” dagdag pa niya.

Gayunman, tiniyak ni Garin na kumikilos ang gobyerno upang masiguro ang sapat na suplay ng langis sa buong bansa. Batay sa pinakahuling ulat ng DOE, may sapat na oil supply ang Pilipinas sa loob ng karaniwang 50 araw, o hanggang sa ikalawang kalahati ng Mayo.

Sinabi rin niya na wala pang pangangailangang magpatupad ng fuel rationing sa ngayon. “50 days is more than enough for us to find replenishment… The normal lead time for us to order oil is normally 7 to 10 days. Pag umorder ka, delivery can normally take about a week to get here because most come from Southeast Asian countries including Japan and China,” paliwanag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here