Home METRO P200K pabuya alok sa makapagtuturo sa pumaslang sa Korean national

P200K pabuya alok sa makapagtuturo sa pumaslang sa Korean national

210
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang Korean sa isang shooting incident sa Korean Town ng Angeles City, Pampanga nitong Linggo, ayon sa local government unit (LGU).

Sinabi ng Angeles City public information office nitong Lunes na patay sa pamamaril ang isang Korean malapit sa isang bangko sa kahabaan ng Friendship Highway dakong ala-1:50 ng hapon.

“The victim was immediately rushed to the hospital but was later declared dead,” pahayag ng city government.

Batay sa LGU, inisyal na inulat ang insidente bilang robbery.

“This is the first recorded case involving the death of a Korean national in a shooting linked to robbery in Angeles City,” anang LGU.

“We will not allow this brutal act to go unresolved. Angeles City must remain a safe place for both locals and foreigners,” giit naman ni Mayor Carmelo Lazatin Jr.

Sa hiwalay na pahayag, nag-anunsyo ang LGU na nag-aalok ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabiya para sa anumang impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto sa salarin.

Hinihimok ang publiko na agad iulat ang anumang impormasyon sa Angeles City Police Office, ayon sa LGU. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here