Home TOP STORIES Camille Villar, nakakuha ng suporta mula sa mga lider sa Lanao del...

Camille Villar, nakakuha ng suporta mula sa mga lider sa Lanao del Norte

Nakakuha ng suporta si senatorial candidate Camille Villar mula sa mga kilalang lider sa Lanao del Norte, kabilang sina Rep. Khalid Dimaporo at Gov. Imelda “Angging” Dimaporo.

Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Villar na itutuloy ang mga programang makatutulong sa mga magsasaka, tulad ng modernisasyon ng agrikultura at pagsasanay para sa mga kabataan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga imprastrukturang proyekto para sa pag-unlad ng mga rehiyon.

Ipinagmalaki rin niya ang mga naipagkaloob na makinaryang pansakahan at tulong pinansyal ng kanyang inang si Sen. Cynthia Villar sa higit 70 kooperatiba sa probinsya. Binanggit din niya ang malaking ambag ng kapatid niyang si Sen. Mark Villar sa pagtatayo ng Panguil Bay Bridge na nag-uugnay sa Misamis Occidental at Lanao del Norte.

Tiniyak ni Villar na ipagpapatuloy niya ang pagtutok sa agrikultura, imprastruktura, kabataan, OFWs, at mga ina’t nakatatanda. RNT