MANILA, Philippines – Nasa mahigit sa P204 milyong halaga ng shabu ang narekober na nakasilid sa maleta at inabandona sa isang bakanteng lote sa kahabaan ng Friendship road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas 2:10 ng madaling araw nang ireport ng isang security guard na nakaduty sa kalapit na lote ng lugar na may natagpuan itong isang maleta na kulay green sa kahabaan ng nasabing lugar.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, binuksan nito ang nasabing maleta at tumambad ang bulto-bultong shabu na aabot humigit mahigit sa 30 kilo.
Napag-alaman na selyado ng plastic ang naturang mga illegal na droga na tinatayang aabot sa P204,000,000.00 halaga.
Sa pag-iimbestiga ng pulisya sa lugar at sa pagsusuri sa isang maliit na surveillance camera na nakalagay sa lugar kung saan narekober ang maleta na kinalalagyan ng nasabing droga.
May teorya ang pulisya na posibleng may isang tao ang ka-transaksyon at pipick-up sa naturang shabu.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. MARGIE BAUTISTA