MANILA, Philippines – PRAYORIDAD ng gobyerno na patatagin ang power supply sa Siquijor.
“Fix the problem, not the blame.Kasi sinasabi, sinong dapat mananagot dyan? Oh sige, sige. Pero ayusin muna natin ‘yung problema,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pinakabagong podcast nang tanungin hinggil sa kanyang direktiba pata tuguana ng power crisis sa Siquijor.
Sinabi ng Pangulo na may dalawang generator sets ang naipadala na mula Palawan patungong Siqujor ang gumagana na ngayon at nagbigay din ang gobyerno ng fuel para ma- meet ang inventory shortage.
“Ang mahalaga dito, hindi mo pinaparusahan ‘yung tao. So, kahit na kung sinong nagkamali, hindi iyan angprioritynatin. Angprioritynatin, makapag-deliverng kuryente sa bawat bahay. And that’s what we did,” ayon kay Pangulong Marcos.
Aniya pa, ang kontrata sa pagitan ng power supplier Siquijor Island Power Corp. (SIPCOR) at power provider Province of Siquijor Electric Cooperative, Inc. (PROSIELCO) a nasa ilalim ngayon ng masusing pagrerebisa.
“Nire-reviewna namin. Pero alam mo,like any contract,kungnon-compliantka,that breaks the contract,” ang winika ng Pangulo.
Matatandaang, ipinatawag ni Pangulong Marcos sa Malakanyang ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) sa gitna ng kinahaharap na usapin ng Siquijor sa suplay ng kuryente.
Naglatag na ang DOE ng mga short-term at long-term na solusyon para dito.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang pansamantalang energy supply arrangements sa lugar, hanggang sa mas matibay at maaasahang power infrastructure sa isla.
Kung matatandaan, una nang nagdeklara ng State of Calamity ang Siquijor dahil sa krisis sa kuryente doon. Kris Jose