Home NATIONWIDE P20M high-grade marijuana nasamsam sa NAIA

P20M high-grade marijuana nasamsam sa NAIA

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad sa paliparan ang mahigit P20 milyong halaga ng high-grade marijuana matapos maaresto ang isang dayuhan na nagtangkang magpuslit ng kontrabando sa bansa.

Naganap ang pag-aresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nasukol ang babaeng Thai na pasahero matapos madiskubre ang marijuana. Galing siya sa Bangkok.

Nasamsam ang 13 vacuum sealed transparent plastic container na naglalaman ng halos 15 kilo ng tuyong dahon na pinaghihinalaang Marijuana Kush.

Nauna rito, inaresto rin ng mga awtoridad ang isang babaeng South African matapos itong makuhanan ng mahigit P35 milyong halaga ng shabu sa NAIA. RNT