MANILA, Philippines – Isinampa na sa Department of Justice (DOJ) ng PNP Criminal Investigation and Detection Group
(PNP-CIDG) ang murder complaints sa pagpatay sa beauty contestant na si Geneva Lopez at sa Israeli Boyfriend nito na si Yitzhak Colen.
Limang Indibidwal ang sinampahan ng reklamong murder kabilang ang dalawa na mga dating pulis.
Ayon kay PNP- CIDG Legal Division Chief Police Col. Thomas Valmonte, may sabwatan sa pagpatay sa magkasintahan.
Batay sa reklamo pinagplanuban ang aktual na pagpatay sa dalawang biktima. Merong dalawang bumaril, merong isa naman na kasama sa paglibing ng mga bangkay at meron na ibang tao na kasama rin sa plano.
Ayon kay Valmonte, ang motibo ay may kinalaman sa sinanglang lupa ng mga suspek sa mga biktima.
Sa imbestigasyon, nais bawiin ng mga respondents ang lupa sa biktima ngunit tumanggi ang mga ito.
“Parang ayaw na nilang ibigay kasi syempre meron silang binigay napera so dapat ibalik sa kanila yung pera. Ang nag employ is may bibiling iba, may bibiling buyer, at itong mga repspondents may buyer sya. Kaya nga papnta itong biktima sa place kung saan sila nagkita at guinide sila papunta duns a palce kung saan inexecute ang kanilang plano,” kwento ni Valmonte.
Sa ngayon, hawak na ng mga awtoridad ang apat na suspek at patuloy pa ang ginagawang case build up.
Matatandaan na noong June 21 nang inireport na nawawala sina Lopez at Colen.
July 06 nang inanunsyo ng mga awtoridad na narekober ang bangkay ng dalawa sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac City. Teresa Tavares