Home TOP STORIES P20M kada linggo: Kolektor na ng tongpats, lovers pa?

P20M kada linggo: Kolektor na ng tongpats, lovers pa?

96
0

MANILA, Philippines – SINO itong dalawang opisyal ng pamahalaan na mistulang naging partners in crime umano sa isang malaking raket?

Hindi lang daw sila magkasama sa opisina, kundi magkasangga rin sa pinagmumulan ng limpak-limpak na tongpats.

Ayon sa mga insiders, may “quota system” pa raw ang kanilang operasyon — hindi bababa sa P20 milyon ang kailangang nakokolekta linggo-linggo.

Ang mas malupit, bawat linggo ay may “bonus” pa raw ang alalay na umaabot sa daan-daang libong piso. Para bang opisyal na negosyo ang kurapsyon!

May mga nagbubulungan pa na hindi lang umano pera ang nakataya rito kundi pati mga mamahaling gamit at luho.

At kung pagbabasehan ang usap-usapan sa kapitolyo, tila mas “close” pa kaysa inaakala ang tambalang ito matapos umanong mamataan sa isang kilalang hotel.

Kung totoo ang mga kuwentong ito, malinaw na talo na naman ang taumbayan. Imbes na mapunta sa mga proyektong panlaban sa baha o serbisyong pangkalusugan, baka napupunta lang sa mga personal na bulsa at koleksiyon ng luxury items.

Gusto n’yo bang hulaan kung sino ang opisyal na ito?

Ayon sa usap-usapan, baka masagot ang palaisipan kung itatanong ninyo sa isang kilalang lider-relihiyoso na laging abala sa gawaing kawang-gawa, si Father Anton Pascual ng Caritas Manila. Ang sinasabing kasangga niya na opisyal din, ayon naman sa mga tsismosa, ay puwede raw ikonekta sa pangalan ng isang sikat na mang-aawit noong dekada ’80—si Sheena Easton. Kung pagbabasehan ang mga clue, kayo na ang humusga kung sino ang tinutukoy ng bulungan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here