MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P21 milyon sa pantalan ng Lungsod ng Zamboanga noong Linggo, Nobyembre 30, 2025.
Ang 300 master cases ay nakatago sa isang cargo vehicle kasama ang mga sako ng uling.
Ayon kay Brig. Gen. Edwin Quilates, regional police director, nahuli ang isang 42-anyos na residente ng Barangay San Jose Cawa-Cawa para sa imbestigasyon.
Pinuri ni Quilates ang mga operatiba.
“This operation underscores our continuing campaign against smuggling and other illegal activities that undermine lawful trade and national security.” RNT