Home NATIONWIDE P21M lotto jackpots mailap!

P21M lotto jackpots mailap!

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Huwebes, Abril 11, na walang nanalo para sa jackpot prizes ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49.

Walang nakahula sa 41-15-19-46-16-17 Super Lotto winning digit combination na may jackpot na P15.8 milyon.

Samantala, wala ring manlalarong nakahula ng tama sa 6/42 winning digit combination na 08-12-42-02-37-41 na may jackpot na P5.9 milyon.

Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Abril 13 habang ang Lotto 6/42 draw ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Narito ang mga resulta para sa iba pang digit na laro: 07-03 para sa 2D Lotto, 4-2-1 para sa 3D Lotto, at 3-3-2-5-1-9 para sa 6D Lotto. RNT