Home NATIONWIDE P220-M lotto jackpots mailap sa mananayaNATIONWIDETOP STORIES P220-M lotto jackpots mailap sa mananayaFebruary 19, 2025 07:00 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Pebrero 18, 2025.Nanatiling hindi naangkin ang P91.9 milyong Ultra Lotto 6/58 matapos walang makakuha ng tamang kumbinasyon 09-14-07-13-47-32.Gayundin, walang nanalo sa Super Lotto 6/49 jackpot na P96.3 milyon, na may mga numerong 20-30-21-33-48-13.Sa Lotto 6/42, bigo rin ang mga mananaya na makuha ang P32.7 milyong premyo matapos walang tumugma sa 18-31-09-27-19-01.Dahil walang panalo, patuloy na lalaki ang jackpot sa susunod na draw. RNT