MANILA, Philippines – Nakapagbigay na ang pamahalaan ng hanggang P224.5 milyong halaga ng tulong sa mga apektado ng Severe Tropical Storm Enteng at ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa pinakabagong situation update nitong Lunes, Setyembre 9, ang tulong na ito ay nakaabot sa 222,392 pamilya sa 416,804 sa 10 rehiyon.
Nasa kabuuang 741,035 pamilya o 2,787,690 indibidwal sa 2,545 barangay sa 10 rehiyon ang naapektuhan ng masamang panahon.
Sa nasabing bilang, 7,508 pamilya o 28,904 indibidwal ang natulungan na sa 365 evacuation centers at 18,791 pamilya o 50,017 katao na tumutuloy naman sa ibang lugar. RNT/JGC