EAST TIMOR – Dumating si Pope Francis noong Lunes sa East Timor, kung saan magdadaos ng malaking Misa sa mananampalataya ng karamihan sa mga Katoliko sa ikatlong paghinto sa 12-araw na paglalakbay sa Asia-Pacific.
Dumating ang 87-anyos sa Dili, kabisera ng East Timor bandang 2:20 pm (0520 GMT) mula sa Papua New Guinea.
Libu-libong Katoliko ang pumila sa kalsada upang salubungin ang Papa, na may hawak na dilaw-at-puting mga payong na mga kulay ng Vatican.
Nagpaligid ng mga bandila ng Vatican na nagkaroon ng mamahaling makeover bago ang pagbisita.
Ang mga mahihirap na mga palaboy na naninirahan sa lugar ay inilipat ng mga awtoridad sa pagbisita ng Papa na dahilan ng mga batikos sa social media.
Ayon sa human rights groups, ang ilang pansamantalang bahay na itinayo ng mga mahihirap ay giniba bilang paghahanda sa misa. Sinabi ng gobyerno na sila ay iligal na itinayo.
Ang Punong Ministro na si Xanana Gusmao ay nagwalis sa mga kalye kasama ang mga lokal upang tumulong sa paglilinis ng lungsod bago ang pagdating ng pontiff.
Ang East Timor ay may masalimuot na kasaysayan na minarkahan ng mga siglong pamamahala ng Portuges, mga dekada ng pananakop ng karatig na Indonesia, at isang referendum na suportado ng United Nations na nagbigay-daan dito na makalaya.
Si Francis ang kauna-unahang Papa na bumisita sa bansa, kung saan humigit-kumulang 98 porsiyento ng 1.3 milyong katao nito ay mga Katoliko, mula nang magkaroon ito ng kalayaan mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.
Ang magiging highlight ay ang napakalaking misa sa Martes, na inaasahang dadaluhan ng 700,000 mananamba.
Ito ang ikatlong leg ng kanyang 12-araw na Asia-Pacific tour, ang pinakamatagal sa kanyang papacy, na nagsimula na sa Indonesia at Papua New Guinea, at magtatapos sa Singapore.
Kasama sa iskedyul ni Francis ang mga pagpupulong sa mga Heswita, mga bata at mga mananampalatayang Katoliko. Jocelyn Tabangcura-Domenden