Home NATIONWIDE Virgin Island sa Bohol isinara na

Virgin Island sa Bohol isinara na

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang pagsasara ng pinakapamosong Puntod Island sa Bohol o kilala bilang Virgin Island.

Ngayong Lunes, Setyembre 9 ay sarado na ang naturang pasyalan na tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon.

Ipinag-utos ng Protected Area Management Board (PAMB) na pinangunahanan ng Department of Environment and Natural Resources ang nag-utos sa pagsasara ng isla kasunod ng vandalization ng mga coral reef sa lugar.

Nakatanggap din ang PAMB ng ulat tungkol sa “unauthorized collection of fees”.

Dahil sa pagsasara, bawal na rin ang lahat ng water-based activities sa paligid ng isla.

Hindi naman kasama sa pagbabawal ang mga naghahanap ng lamang-dagat kapag low tide, at mga bangka na dumaraan patungong Balicasag Island at ang Fish Cage operations ng Danao United Fishermen’s Association na nag-ooperate sa Panglao Island Protected Seascape.

“Our Provincial Government always supports the protection of our environment as it is a holy duty. I wish for everyone’s cooperation,” pahayag ni Bohol Governor Aris Aumentado.

Kukurdonan ang lugar at sisiguruhing walang turista o bisita sa lugar sa oras na magsimula na ang rehabilitasyon. RNT/JGC