MANILA, Philippines – AABOT sa halagang P228 million na tulong pangkabuhayan ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa mga dating miyembro ng non-state-armed groups kabilang na ang mga nasa conflict-vulnerable communities para sa taong 2023.
“We are sowing seeds of hope through SLP believing these will help them back and reintegrate them into their respective families and create healing and restoration on communities ravaged by armed conflicts,” sabi ni Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan A. Tanjusay.
Ayon sa DSWD ang SLP ay isang community-based capacity building program ng ahensya na naglalayong mapaganda ang kalagayan ng kabuhayan ng mga benepisyaryo nito.
Batay sa tala, may 1,262 former member of non-state armed groups (FMNSAG) tulad ng ex-Abu Sayyaf Group (ASG), former Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) members at ex-Dawlah Islamiyah (DI) na pawang nagbalik loob na sa pamahalaan ang nabigyan ng livelihood settlement grant, gayundin ang 624 associations o community-based na binubuo ng mga dating rebelde o FMNSAG.
Kaugnay nito sinabi ni Usec Tanjusay, kabilang sa mga naipamahaging livelihood settlement grantsay ginamit sa micro-business enterprises gaya ng “ukay-ukay” (reselling of used clothing), egg-laying machineries, poultry, feeds and fertilizer supply at drinking water refilling station.
Para sa 2024, target ng SLP na matulungan ang 715 individual former rebels at 193 associations na may P224 million budget allocation. Santi Celario