MANILA, Philippines – Sa loob ng lima hanggang pitong taon, nakahanda ang Pilipinas na maging pinakamalakas na coast guard sa Southeast Asia, ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Ayon kay Gavan nitong Lunes, Disyembre 9 na hindi bababa sa 46 na bagong sasakyang pandagat ang madadagdag sa kanilang fleet sa susunod na ilang taon.
Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkuha ng limang 97-meter cutter mula sa Japan at 40 unit ng 35-meter vessel mula sa France.
Isang 60-meter cutter ang itatayo sa isang shipyard sa Cebu.
Idinagdag pa ng Komandante na ang Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources at Philippine Red Cross ay kapwa maglilipat ng isa nilang floating assets sa PCG at maraming miyembro ng private sector ang susunod nito.
Ang pagkuha ng bagong barko ay magpapalaks sa kakayahan ng PCG sa kanilang pagsisikap na masiguro ang maritime security sa bansa lalo na sa West Philippine Sea.
Inanunsyo ni Gavan na nitong Lunes, Disyembre 9 ay nanumpa ang nasa 2,000 recruits bilang bahagi ng PCG ay 2,000 pang personnel ang kaisa sa ahensya bago matapos ang taon.
Kasabay nito ang pagsalubong sa pagdating BRP Gabriela Silang sa Port of Manila mula sa kanilang misyon sa Manado, Indonesia. Jocelyn Tabangcura-Domenden