Home NATIONWIDE Indonesia target na maibalik sa Pinas si Mary Jane Veloso ngayong Pasko

Indonesia target na maibalik sa Pinas si Mary Jane Veloso ngayong Pasko

MANILA, Philippines – Nais mismo ng Indonesia na mailipat na ang kustodiya sa Pilipinas ng death row convict na si Mary Jane Veloso ngayong Pasko.

Sinabi naman ni Justice spokesperson Mico Clavano na isang magandang pamaskong regalo kung matutupad iyon dahil isang Filipino ang nailigtas sa parusang kamatayan.

Nitong Biyernes, pormal na nagkasundo ang Indonesia at Pilipinas na maibalik na dito si Veloso matapos ang high-level meeting.

Binigyan-diin ni Clavano na walang itinakdang kondisyon ang Indonesia.

Ang Pilipinas na aniya ang may ligal at pisikal na kustodiya kay Veloso.

Sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na ng mga otoridad kung saan ikukulong si Veloso.

Nais masiguro ng mga otoridad na hindi mapapasama sa iisang jail facility ang mga kinasuhan ni Veloso ng qualified human trafficking at illegal recruitment. TERESA TAVARES