MANILA, Philippines – Tiklo ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado, Pebrero 15.
Naaresto ng pulisya ang tatlong tulak na kinilalang sina “Alfredo,” “Raynaldo,” at “Arven,” matapos pagbentahan ng shabu ang poseur buyer sa Barangay San Andres.
Narekober sa mga suspek ang 14 plastic sachets na naglalaman ng shabu at may timbang na 35 gramo. Nagkakahalaga ito ng P238,000.
Tinukoy ang mga suspek bilang “street-level individual” o street pushers.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC