MANILA, Philippines – Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P24.30 milyong halaga ng hindi deklaradong foreign currencies sa dalawang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sa pahayag nitong Lunes, Enero 28, sinabi ng BOC na nasa $272,000 o nasa P15,912,272 ang nasamsam mula sa pasaherong Pinoy noong Enero 22.
Noong Enero 23, nakumpiska rin ng Customs officer sa NAIA ang hindi deklaradong foreign currencies na aabot sa P8,292,166.71 mula sa isang Japanese passenger.
Ang foreign currencies ay nasa $43,710; 15,040,000 yen at P62,000.
Nagsimula na ang inquest proceedings para sa mga pasahero sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions, New Central Bank Act, at Anti-Money Laundering Act. RNT/JGC