Home NATIONWIDE P24M illegal na droga nasamsam sa weeklong ops sa Central Visayas

P24M illegal na droga nasamsam sa weeklong ops sa Central Visayas

207
0

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa ₱24 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga pulis sa Central Visayas sa isinagawang isang linggong operasyon mula Hulyo 13 hanggang 19, ayon sa ulat ng Police Regional Office 7 (PRO-7).

Sa datos ng PRO-7, 146 drug operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 163 suspek. Nasabat dito ang 3.5 kilo ng shabu na may halagang ₱24,013,384 at anim na gramo ng tuyong marijuana.

Bukod sa kampanya kontra droga, nagsagawa rin ng 49 operasyon laban sa loose firearms na nagresulta sa pagkakaaresto ng 21 katao. Nakumpiska ang 50 baril, isang pampasabog, at 69 bala.

Nadakip din ang 86 wanted persons, kabilang ang 22 kabilang sa regional most wanted list, habang 44 katao ang hinuli sa ilegal na sugal tulad ng cara y cruz, number games, at tupada. Nasamsam ang ₱18,237 na bet money mula sa mga raid.

Ayon kay PRO7 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan, ang serye ng operasyon ay bahagi ng kautusan ng pamunuan ng PNP upang palakasin ang public safety at pahinain ang operasyon ng mga kriminal.

“We are intensifying our efforts not only to apprehend lawbreakers but to disrupt criminal operations and make our communities safer,” ani Maranan sa isang pahayag.

Pinasalamatan din niya ang suporta ng komunidad, sabay sabing “this is a whole-of-community effort.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here