Home METRO P250K pekeng sigarilyo nasamsam

P250K pekeng sigarilyo nasamsam

COTABATO- UMABOT sa P250,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang tindahan, kahapon, Oktubre 23 sa bayan ng Makilala.

Ayon kay Lt Col. Rolly Oranza, Officer-in-charge chief of police ng Makilala Municipal Police Station, nadakip ang tindera ng tindahan na si alyas Jade, 34, at residente ng Purok 14, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Makilala-MPS, bandang 2:31 PM nitong Miyerkules, sinalakay ng PIU-CPPO, ang tindahan ng suspek sa loob ng Public Market ng naturang barangay matapos makatanggap ng tip mula sa ilang concerned citizen tungkol sa smuggled na sigarilyo.

Nakuha sa suspek sa loob ng tindahan ang 162 rims ng iba’t ibang klase ng pekeng sigarilyo na aabot sa halagang P250,000.

Walang maipakitang documentary stamps mula sa Bureau of internal Revenue at kaukulang dokumento para sa NTA (National Tobacco Association) ang suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10643 (The Graphic Health Warning Law) ang suspek na ngayon ay nakakulong sa lock-up cell ng Makilala MPS. Mary Anne Sapico