CEBU CITY- PATAY ang isang top 1 most sa rehiyon 7 matapos manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng walong warrant of arrest sa una, iniulat kahapon, Oktubre 23 sa bayan ng Argao.
Kinilala ang namatay na suspek na si Roel Antiquina Gomez, alyas Santino, nasa hustong gulang at residente sa Barangay Colawin, Argao City, na may kasong 3 murder, robbery with homicide, illegal drugs at illegal possession of firearms.
Habang nadakip ang kasama ng suspek na si Jr. Davin Loquinario, 29, at nakuhaan ng .45 kalibre na baril na may mga bala.
Ayon kay Police Major Janus Giangan, hepe ng Argao Police Station, bandang 3:30 AM nang isilbi ang mga warrant of arrest laban sa suspek sa Sitio Magkabayo, Barangay Capio-an, Argao.
Sa halip na sumuko ang suspek pinaputukan nito ng baril ang mga operatiba at napilitan gumanti ng putok ang mga pulis.
Tinamaan ang suspek sa ulo na nagresulta ng kamatayan nito. Mary Anne Sapico