MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang higit ₱25 milyong halaga ng ketamine sa Clark Freeport Zone noong Miyerkules, Hulyo 30, sa isang operasyon.
Ayon kay Police Regional Office–Central Luzon chief Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ang parcel ay idineklarang “data cable roll” at nagmula sa Lier, Belgium.








