Home NATIONWIDE Anti-Political Dynasty Bill isinusulong ni Lacson

Anti-Political Dynasty Bill isinusulong ni Lacson

254
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 35 o ang “Anti-Political Dynasty Act of 2025” na nagbabawal sa asawa o kaanak (hanggang ikalawang antas) ng isang incumbent na kandidato sa reeleksyon na tumakbo sa parehong lungsod o lalawigan sa parehong halalan.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na layon ng panukala na balansehin ang karapatan ng botante at ang pagbabawal ng Saligang Batas sa mga political dynasty. Ipinagbabawal din ng panukala ang sabayang pagtakbo ng dalawang magkaugnay sa politika sa parehong lugar, kahit hindi sila konektado sa kasalukuyang opisyal.

Binanggit ni Lacson na mula pa noong ika-8 Kongreso ay ilang beses nang sinubukang ipasa ang ganitong batas, ngunit palaging nabibigo. Aniya, ginawang “playground” ng mga makapangyarihang pamilya sa politika ang mga posisyon sa gobyerno, na sumisira sa patas na laban sa eleksyon.

Tinanggap ni Lacson ang pagiging chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here