Home NATIONWIDE Taas-taripa sa imported na bigas, target ng DA

Taas-taripa sa imported na bigas, target ng DA

126
0

MANILA, Philippines – Iminumungkahi ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang taripa sa imported na bigas mula 15% tungong 25% upang matulungan ang mga lokal na magsasaka, kasabay ng planong unti-unting ibalik ito sa orihinal na 35%.

Ayon kay DA Assistant Secretary Joycel Panlilio, tatalakayin pa ito kasama ang Department of Economy, Planning, and Development upang maiwasan ang biglaang epekto sa merkado. Layon ng panukala na mapanatili ang abot-kayang presyo ng bigas habang pinapataas ang farmgate price ng palay.

Sa tala noong Hulyo 29, ang presyo ng imported na bigas sa Metro Manila ay nasa pagitan ng ₱33 hanggang ₱50 kada kilo, habang ang lokal ay nasa ₱30 hanggang ₱60.

Sinabi ni Panlilio na makatutulong ang mas mataas na taripa upang tumaas ang presyo ng palay, na bumaba sa ₱5 kada kilo sa ilang lugar dahil sa dagsa ng murang imported na bigas. Sa kasalukuyan, bumibili ang NFA ng palay sa halagang ₱17 hanggang ₱24, depende sa kalidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here