MANILA, Philippines – Nasolo ng mananaya ang jackpot sa Lotto 6/42 na mahigit P27.4 milyon habang napanalunan din ang P3.3 milyong jackpot sa Lucky 6D Lotto sa draw nitong Huwebes, Hulyo 11.
Para sa Lotto 6/42, ang combination number ay 41-36-08-07-11-23 sa jackpot na P27,450,306.20.
Para naman sa 6D Lotto, ang jackpot ay nasa P3,340,303 para sa makakahula ng combong 7-1-7-2-2-7.
Samantala, wala namang nanalo sa iba pang major lotto draw na Super Lotto 6/49 sa jackpot na P131,924,972.40 sa combination number na 28-03-19-41-02-13. RNT/JGC