INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang flagship program na muling magtayo ng ‘resilient at responsive’ healthcare system ng Department of Health’s (DOH).
Ang programa ng Pilipinas, tinawag na Health System Resilience Project, Phase 1, naglalayon na gawing mahusay ang ‘health emergency prevention, preparedness, and response’ sa mga vulnerable areas sa bansa.
Bilang chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sinabi ni Pangulong Marcos na P27.921-billion project ang magsisilbi bilang isang “application of lessons learned during the pandemic.”
“Maganda ito kasi specific to the Philippines. It’s not a general … (it is) specific even to the area,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Health Secretary Teodoro Herbosa na pinresenta ang proyekto sa NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
Nakatuon ang programa tungo sa pagtatayo ng kaaya-ayang ‘environment, project management, monitoring and evaluation, at Contingency Emergency Response Component (CERC).’
Gayundin, ipa-prayoridad nito ang mga lugar sa bansa na may mahinang access sa healthcare.
Samantala, tinukoy na ng health department ang 17 lalawigan para sa pilot run nito. Kris Jose