MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang proyektong naglalayon na ayusin ang transport infrastructure sa Mindanao.
Sa idinaos na 21st meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, nagbigay ng go signal ang NEDA Board sa Mindanao Transport Connectivity Improvement Project (MTCIP) ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“It’s one of the main road programs for Mindanao. I think that we should, as much as possible, proceed with the project… we need to approve,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sinabi naman ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na susuportahan ng MTCIP ang layunin ng departamento na pasiglahin ang transport network sa Mindanao, mapakikinabangan ang agricultural sector ng bansa.
Idinagdag pa ni Bonoan na ang MTCIP ay bahagi ng master plan para sa high-standard Highway Network Development Project, tinukoy ang mga pangunahing proyekto na side-develop mula north Luzon, central Luzon, Visayas, at Mindanao.
“This project should provide high-level traffic services by assuring high-speed mobility and safe travel to vital transport socio-economic activities for development of the regions and the country as a whole,” ang sinabi pa ni Bonoan.
Ang MTCIP ay “comprehensive initiative to enhance road infrastructure in the Main Corridor, a vital national highway network linking the cities of Cagayan de Oro, Davao, and General Santos.”
Inaasahan na makalilikha ito ng malawak na socio-economic benefits para sa mga komunidad sa kahabaan ng Main Corridor at lampas pa.
Layon ng MTCIP na ayusin ang access sa merakdo, itaas ang trade opportunities, at ayusin ang pagkakakonekta para sa ‘residence at businesses’ na makapagbibigay ng mas malaking tulong para sa overall economic growth at development ng Mindanao.
Makokonekta din nito ang Northern Mindanao, Davao, at Soccsksargen regions.
Samantala, ang proyekto ay popondohan ng World Bank, mayroong limang bahagi bago pa makompleto sa 2030. Kris Jose