Home NATIONWIDE P28.5M jackpot sa Lotto 6/42, tinamaan!

P28.5M jackpot sa Lotto 6/42, tinamaan!

MANILA, Philippines – Tinamaan ng solong mananaya ang jackpot sa Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P28,581,049.40 sa draw nitong Sabado ng gabi, Disyembre 14.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang winning numbers ay 33-25-19-05-24-22.

Isang mananaya rin ang nakahula ng winning combination number sa 6D Lotto draw na 6-1-0-1-3-5. May jackpot prize itong P3,789,542.

Samantala, wala namang nakahula ng tamang numero sa Grand Lotto 6/55 draw sa 49-10-42-34-35-27 at prize na P51,312,160.40. RNT/JGC