Home NATIONWIDE P28.5M shabu nasamsam sa HVI sa anti-drug ops sa Bacolod

P28.5M shabu nasamsam sa HVI sa anti-drug ops sa Bacolod

53
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng Bacolod City Police Office City Drug Enforcement Unit (BCPO-CDEU) ang isang “high value individual,” at nakumpiska ang 4.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P28.56 milyon sa operasyon ng pulisya sa Purok Fatima, Islamic Center sa Barangay 31, Bacolod City.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Bongi,” 36, residente ng Purok Fatima.

Isinagawa ang operasyon matapos magbenta ang suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa police poseur buyer kapalit ng marked money.

Narekober sa suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets at limang knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, kabilang ang buy-bust item.

Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P7,000 at iba pang nondrug items.

Nasa kustodiya ng Police Station 6, ng BCPO ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Ang mga nakumpiskang illegal na droga ay ipinadala naman sa PNP Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here