MANILA, Philippines – Walang tumama sa jackpot prizes ng PCSO major lotto draws noong Huwebes, Nobyembre 20, kaya muling magro-roll over ang parehong pa-premyo ng Lotto 6/42 at Superlotto 6/49.
Hindi nakuha ang Lotto 6/42 jackpot na P5,971,209.40 matapos walang makapareho sa kombinasyong 27-16-38-30-39-10.
Hindi rin nakuha ang P15,840,000.00 jackpot ng Superlotto 6/49 dahil wala ring tumama sa kombinasyong 49-19-28-40-43-09.
Ginaganap ang draw ng Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang Superlotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes at Linggo. RNT