Home METRO P2M halaga ng sodium cyanide nadiskubre sa isang resort sa Sarangani

P2M halaga ng sodium cyanide nadiskubre sa isang resort sa Sarangani

MANILA, Philippines – Aabot sa 37 barrels ng hinihinalang sodium cyanide na nagkakahalaga ng P2 milyon halaga ang nakumpiska mula sa isang private resort sa Maasim, Sarangani.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga abandonadong bariles ng kemikal ay idedeliver sana sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Ituturn-over sa Department of Environment and Natural Resources-Soccsksargen (DENR-12) ang mga nakumpiskang kemikal.

Sa ilalim ng Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act (RA 6969), mahigpit na ipinagbabawal ang importation, manufacture, paggamit, at pagbebenta ng mga nakalalasong kemikal na maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng isang tao at sa kalikasan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay nito. RNT/JGC