Home METRO SLI tiklo sa shabu, kush sa Pasay

SLI tiklo sa shabu, kush sa Pasay

MANILA, Philippines – Arestado ang isang street level individual (SLI) sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Martes ng hapon, Hunyo 11.

Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang nadakip na suspect na si alyas Ping, 20, residente ng Saint Peter St., Barangay 179, Zone 19, Maricaban, Pasay City.

Base sa report na natanggap ni Pabonita, naganap ang pag-aresto kay alyas Ping dakong alas 4:45 ng hapon sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng SDEU sa Saint Peter St., Barangay 179, Zone 19, Maricaban, Pasay City.

Sinabi ni Pabonita na sa isinagawang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng suspect ang limang plastic sachets na naglalaman ng 3.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P23,800; 13.7 gramo ng hinihinalang Kush nakalagay sa 10 plastic sachets na nagkakahalaga ng P20,550; isang box ng pinaglagyan ng cellular phone at ang P500 na buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police. James I. Catapusan