MANILA, Philippines – Magsasampa ng reklamo ang Department of Agriculture (DA) laban sa kompanya na illegal na nag-angkat ng P2 milyong halaga ng pulang sibuyas na nasamsam ng mga awtoridad sa Mindanao International Container Terminal sa Misamis Oriental.
Sa pahayag nitong Martes, Hunyo 24, sinabi ng DA na ang consignee ng kargamento mula sa China ay ang Lantix Consumer Goods Trading, na naka-base sa Binondo, Manila.
Idineklara ng kompanya ang mga laman ng cargo bilang iba’t ibang frozen goods katulad ng itlog, noodles, croissant dough, pizza dough, buns at spring rolls.
Sa pagsusuri na isinagawa ng Bureau of Plant Industry at Bureau of Customs noong Hunyo 11, nakita na ang laman nito ay 25 metriko tonelada ng sariwang pulang sibuyas na sinabi ng DA na hindi nito pinayagan ang importasyon. RNT/JGC