MANILA, Philippines – Isang solo bettor ang nanalo ng P1.945 milyon sa 6D Lotto draw noong Pebrero 20, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang nanalo ay tumama sa kombinasyong 9-9-9-0-9-8.
Samantala, walang nanalo sa mga major lotto prizes.
Ang jackpot para sa Superlotto 6/49 ay umabot na sa P102.5 milyon matapos walang makakuha ng tamang kombinasyon 46-02-23-24-03-36.
Hindi rin natamaan ang P37 milyon jackpot ng Lotto 6/42 sa kombinasyong 26-29-01-11-31-36. RNT