Home METRO P2M marijuana winasak sa Benguet

P2M marijuana winasak sa Benguet

BENGUET- Nagkakahalaga ng P2,080,000.00 ang pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad na fully grown marijuana plants sa nadiskubre nilang tatlong taniman ng marijuana sa Sitio Manggahan, Brgy. Kayapa, Bakun ng lalawigang ito kahapon, November 23.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga law enforcement officer mula sa PDEA RO I-Ilocos Norte Provincial Office (PDEA RO I-INPO), PDEA RSET, PDEA Seaport Interdiction Unit, PDEA La Union Provincial Office, PDEA Cordillera Administrative Region, Philippine Army 501st Infantry Brigade 5ID, 51st Division Reconnaissance Company, at Signal 1st Brigade Signal Support 5th Batallion nang madiskubre nila ang mga naturang taniman na tinatayang may lawak na 1,550 square meters.

Nasa 10,400 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga otoridad.

Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga otoridad mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. Rolando Gamoso