Home METRO P2M shabu nakumpiska sa 6 na suspek

P2M shabu nakumpiska sa 6 na suspek

QUEZON-UMABOT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa anim na drug dealer at mga armas sa magkahiwalay na buy bust operation sa probinsyang ito noong Linggo.

Ayon kay Colonel Ledon Monte, hepe ng Quezon-PNP, bandang 10:45 AM nang madakip ang suspek na si Neil, 28, ng Barangay Laglag, Tiaong, Quezon.

Nakuha sa suspek ang 11 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 78.43 gramo at may standard drug price na P533,324 at Berreta .9mm pistol na may limang bala.

Ang mga nakumpiska ay nagkakahalaga ng P1,599,972 na may street market na P20,400 kada gramo.

Sa Barangay Lusacan, dakong 6:30 AM nadakip ang isang Lester, 34, at kilala bulang tulak sa nasabing barangay.

Nakuha sa suspek ang 2 pakete ng shabu na may halagang P111,996 street market at dalawang motorsiklo na pinaniniwalaan ginagamit ng suspek sa iligal nitong aktibidades.

Nadakip rin ang isang alyas Baboy, dakong 6:50 PM sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, at nakuha sa suspek ang P119,340 halaga ng shabu.

Pagsapit naan ng 11:28 PM, nahuli ng operatiba sina Utoy, Moneht at Shaider, sakop pa rin ng nasabing barangay.

Nakuha sa mga suspek ang shabu na kabuuang halaga na P208,896 habang nakuha kay Utoy ang isang .38 revolver na may 2 bala at walang dokumento.

Nasa kustodiya ngayon ng Quezon-PNP ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico