MANILA, Philippines- Nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao ang sigarilyong nagkakahalaga ng P2.175 milyon matapos matuklasan ang mga produkto ay walang graphic health warning labels na mandato ng batas, ayon sa kapulisan nitong Biyernes.
Rekisitos sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law ang photographic at textual warnings para sa mga sigarilyo o tobacco products.
Batay sa CIDG, nakumpiska ng Davao City authorities ang 87 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo sa isang buy-bust operation sa isang dry goods trading store nitong Huwebes ng hapon.
Nadakip din ng mga awtoridad ang may-ari ng tindahan na residente ng Davao City at isang Chinese national na kinilala ng CIDG sa pangalang “Chen.”
“The CIDG operation is in compliance [with] the policy of the state to promote the right[s] and health of the people and instill health consciousness among them; and protect the consumers from trade malpractices and from substandard tobacco products,” pahayag ng CIDG. RNT/SA