Home METRO P3.2-M puslit na sigarilyo, nasamsam sa Nueva Vizcaya

P3.2-M puslit na sigarilyo, nasamsam sa Nueva Vizcaya

238
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Aabot sa Php 3.2 milyong halaga ng mga ipinuslit na sigarilyo na idineklarang autoparts ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang checkpoint, iniulat kahapon sa lalawigang ito.

Ayon kay PCapt Merrin Beadoy, Team Leader ng 1st Provincial Mobile Force Company-Nueva Vizcaya, noong Martes ng gabi Agosto 12, 2025, nakita nila ang isang closed van na biglang huminto sa tabing kalsada ng naispatan na may checkpoint sa unahang bahagi ng nasabing lugar.

Kinuwestiyon ng mga otoridad ang driver at pahinante, nakapwa 29-anyos, na kaduda-duda ang kanilang mga ikinikilos dahilan para hingan sila ng dokumento sa kanilang mga kargamento at lumalabas na autoparts ang kanilang mga karga.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, tumambad sa kanilang harapan ang 246 na kahon ng dalawang klase ng sigarilyo na aabot sa halagang Php3,240,000.00.

Ayon sa pulisya, mula umano sa Binondo, Maynila ang mga sigarilyo at nakatakdang ihatid sa Santiago City.

“Sa aming pagsusuri, maituturing na puslit ang mga sigarilyo dahil wala itong kaukulang dokumento kahit pa tinawagan ng mga suspek ang kanilang amo na may-ari nito. Kaya agad kaming nakipag-ugnayan sa Diadi Police Station upang alamin ang tamang kasong isasampa laban sa kanila,” dagdag Beadoy.

Nahaharap ngayon sa kasong Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax without Payment of the Tax at paglabag sa RA 10643 o Graphic Health Warnings Law laban sa dalawang suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here