Home NATIONWIDE P3.4M shabu narekober sa welder sa Batangas

P3.4M shabu narekober sa welder sa Batangas

MANILA, Philippines – ARESTADO ang isang 57 anyos na welder sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba matapos itong makumpiskahan ng ilegal na droga na halagang P3.4 milyon nitong Biyernes, Marso 14, sa Barangay 7, Cuenca, Batangas.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ay kinilala sa alyas na Tatay, 57, welder at residente ng San Pascual, Batangas.

Base sa isinumiteng report sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, nadakip ang suspek nang pinagsanib na puwersa ng Batangas Police Provincial Drug Enforcement Unit, Cuenca Police Station at Provincial Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 4A (PDEG-SOU4A) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 4A (PDEA) nang magsagawa ng buy-bust operation na humantong sa pagkaaresto sa suspek makaraang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Narekober sa suspek ang malaking limang pirasong heat-sealed transparent plastic na kulay asul at gold plastic na naglalaman ng humigit kumulang sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400,000, cellphone at drug paraphernalias, gayundin ang ginamit na marked money sa buy-bust operation.

“This successful anti-illegal drug operation demonstrates our relentless to run after these illegal peddlers and intensify our campaign against illegal drugs, ensuring a safer and more secure CALABARZON community,” said PBGen. Lucas.

Samantalang ang suspek ay kabilang sa high value individual at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002). Ellen Apostol