Home METRO P3.6M high-grade marijuana nakumpiska ng BOC

P3.6M high-grade marijuana nakumpiska ng BOC

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P3.9 milyong halaga ng Kush o high-grade marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark sa isinagawang operasyon sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa BOC, bago ang pagdating ng kontrabando ay nakatanggap ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagtulak sa nakatalagang examiner na magsagawa ng 100% physical examination sa kargamento.

Nabatid na idineklara ang kargamento na naglalaman ng “Handcrafted Artificial Flower Consisting of Roses, Jasmine, and Cockscomb Flowers,” ngunit sa pagsusuri, natuklasan ng mga awtoridad ang apat na vacuum-sealed na plastic pouch na naglalaman ng mga tuyong dahon at fruiting top na hinihinalang high-grade marijuana na umabot sa higit 2.6 kilo.

Kinuha ang mga sample at itinurn-over sa PDEA para sa chemical analysis, na kinumpirma ang substance bilang marijuana, na inuri bilang isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. No. 9165. JR Reyes