Home METRO P3.7-M tobats nasamsam sa DavNor buy-bust

P3.7-M tobats nasamsam sa DavNor buy-bust

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang PHP3.7 milyon halaga ng shabu at inaresto ang dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Davao del Norte noong Martes ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Leon Victor Rosete ng PRO-11, ang operasyon kasama ang PDEA sa Barangay Canatan, Asuncion ay nagresulta sa pagkakahuli ng high-value target na si “Taher” at isang street-level dealer na si “Boy.”

Narekober ng pulisya ang 11 sachet ng shabu na tumitimbang ng 550 gramo at ilang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Asuncion Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT