Home NATIONWIDE Travel clearance ‘di na kailangan para sa batang may kasamang biological parent...

Travel clearance ‘di na kailangan para sa batang may kasamang biological parent sa pagbyahe – DSWD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na hindi na kailangang kumuha ng travel clearance ang isang lehitimong menor de edad kung kasama nitong magbiyahe sa ibang bansa ang isa sa mga biological parents.

Batay sa DSWD Memorandum Circular No. 22, Series of 2024, hindi rin kailangan ng clearance kung ang bata ay kasama ng biological na ina (kung illegitimate), ama na may sole custody, legal guardian, o adoptive parents na may adoption decree at certificate of finality.

Para sa mga menor de edad na maglalakbay nang mag-isa o may kasamang hindi magulang, ang travel clearance ay makukuha lamang sa bagong online Minors Travelling Abroad (MTA) portal ng DSWD.

Ayon kay Asst. Sec. Ada Colico, mas mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa ilalim ng bagong sistema, kabilang ang online interview ng magulang o legal guardian bago aprubahan ang permit. Santi Celario